About roulette online at onlineroulette.money

Nagsagawa ng final inspection si Public Works and Highways Secretary Mark Villar (kaliwa) sa bagong gawang 5.65 kilometrong NLEX-Harbor Link. Kumpleto na sa mga road safety feature ang nasabing elevated expressway kaya't pinabubuksan na ito ng kalihim sa Pebrero 26. Ito na ang magiging pangunahing ruta ng mga trak na may dalang kalakal at kargamento mula Hilaga at Gitnang Luzon na diretso na sa Pier ng Maynila, nang hindi na makikipagsiksikan sa Camachile, Balintawak, A. Bonifacio at mga inner roads ng Maynila. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG MALOLOS– Hindi na kailangang makipagsiksikan pa sa trapik sa Balintawak ang mga trak na may lulan na mga kalakal mula sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Ito’y matapos ideklara ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na maari nang madaanan sa lahat ng uri ng sasakyan ang bagong gawang North Luzon Expressway o NLEX-Harbor Link simula sa Pebrero 26.

Sa ginawang inspeksyon ng kalihim sa 5.65 kilometrong elevated expressway, ipinabatid sa kanya ni NLEX Corporation Senior Vice President for Tollways Development and Engineering Raul Ignaciona kumpleto na sa mga road safety features ang NLEX Harbor Link.

Pangunahin dito, hanggang 80 kilometro lamang ang maaring maging bilis ng bawat sasakyan na dadaan upang maiwasan na mahulog sa halos sampung palapag na elevated expressway.

Tig-tatlong linya ang lapad ng magkabilang panig ng NLEX-Harbor Link kaya’t kayang makadaan dito araw-araw ang may 30,000 mga sasakyan.

Sa pagbubukas nito, mararating ang NLEX Harbor Link mula sa southbound lane ng main thoroughfare ng NLEX sa pamamagitan ng pagkanan sa Smart Connect Interchange papunta sa direksyon ng Karuhatan.

Mula sa Karuhatan, magsisimula na ang pag-akyat sa rampa ng NLEX Harbor Link kung saan babagtasin nito ang ibabaw ng Manila North Road o Mac Arthur Highway at ang ibabaw ng riles ng Philippine National Railways hanggang sa may C-3 Road sa lungsod ng Caloocan.

Sa kasalukuyan, tumutukod hanggang sa Marilao, Bulacan ang buntot ng trapik dahil sa matinding sikip ng trapiko sa Balintawak. Ito’y dahil nasa kasagsagan na ang konstruksyon ang pagkakabit ng Skyway Stage 3 sa NLEX.

Kaugnay nito, patuloy naman ang konstruksyon ng karugtong ng NLEX Harbor Link mula sa C-3 Road patungo sa Radial Road 10 na nasa tarangkahan ng Manila North Harbor. P15 bilyon ang inilaan para rito. (PIA 3)

 

 

Share Our Posts

Share this post through social bookmarks.

  • Facebook
  • Google+
  • Email this page

Comments

Tell us what do you think.

There are no comments on this entry.

Trackbacks

Websites mentioned my entry.

There are no trackbacks on this entry

Add a Comment

Fill in the form and submit.