Zambales at 13 Munisipalidad,Muling Kinikilala sa 2025Good Financial Housekeeping ng DILG

Muling napabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales at lahat ng 13 munisipalidad nito sa mga nakapasa sa 2025 Good Financial Housekeeping (GFH) Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kabilang sa mga kinilalang LGU sa lalawigan ang:
Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales
Bayan ng Botolan
Bayan ng Cabangan
Bayan ng Candelaria
Bayan ng Castillejos
Bayan ng Iba
Bayan ng Masinloc
Bayan ng Palauig
Bayan ng San Antonio
Bayan ng San Felipe
Bayan ng San Marcelino
Bayan ng San Narciso
Bayan ng Sta. Cruz
Bayan ng Subic
Ipinapakita ng pagkilalang ito na patuloy na naipatutupad ng Zambales at mga bayan nito ang mataas na pamantayan sa maayos at responsableng pangangasiwa ng pondo ng bayan. Layon ng GFH na tiyakin na ang mga lokal na pamahalaan ay sumusunod sa mga alituntunin sa tamang pagba-budget, maayos na bookkeeping, at tapat na paglalathala ng mga impormasyong pinansyal para sa kaalaman ng publiko.
Sa pamamagitan ng parangal na ito, muling pinagtitibay ang kahusayan ng Zambales sa transparency, accountability, at good governance—mga haliging nagbubukas ng daan tungo sa mas mahusay, episyente, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Zambaleño.
Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ni Gobernador Jun Ebdane sa lahat ng opisyal at kawani ng lalawigan at ng 13 munisipalidad, gayundin sa mga Zambaleño na katuwang sa pagpapanatili ng tapat at maayos na pamahalaan.
“Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa pamahalaan, kundi para sa bawat Zambaleño na patuloy na nagtitiwala, nakikilahok, at nakikibahagi sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala,” pahayag ng pamahalaang panlalawigan.
